Chapter 76 The Deception

65 2 0
                                    

Nilingon niya ang pintuan at nakitang wala na nga sina Ellah at don Jaime roon.

Wala na, hanggang doon lang ang pagkikita nila.

"Sabihin mo," atat na si Xander.

Lumapit siya at payukong bumulong.

"Tanggapin niyo ako bilang investor. Mauunahan natin ang kalaban sa ganoong paraan."

Umatras siya at humarap sa mga ito.

"Paano ka nakakasiguro? Mabigat na kalaban ang mga Lopez, " si Xander.

"Mabigat ba?"

Ngumisi ang isang Rage Acuesta.

"Ang pagkakaiba kasi natin, sa akin may tiwala si Jaime mukhang sa inyo wala.

May tiwala siya dahil kamag-anak ako ng Villareal na 'yon. Kaya madali akong makakapasok sa mundo nila dahil pinsan ko ang lalaking gusto ni Jaime sa apo niya."

Nagkatinginan ang mag-ama.

"Kaya ko nilalapitan si Jaime Lopez maging ang kanyang apo ay upang makakuha ng impormasyon kay Villareal. Sa oras na makakakuha ako ipapaalam ko agad sa inyo.
Saka natin pagplanuhan kung paano itumba ang kalaban."

"Sabihin mo anong dahilan ng poot mo kay Villareal?" si Xander 'yon na duda pa rin.

"Ang pamilya niya ang dahilan ng pagkasira ng pamilya ko.
Step-cousin ko ang hayop na 'yon, at siya ang ginawang tagapagmana ng lahat, " matalim ang mga matang paliwanag niya sa kausap.

"Pagtutulungan natin 'yan."
Umangat ang kamay ni senior Delavega na ikinangiti niya.

"Salamat."
Ngumiti siya at tinanggap ang kamay ng senior.

Mahigpit nitong pinisil ang kamay niya.

" Welcome to Delavega Shipping Line. "

" Thank you Mr. Delavega. "

Nakangiti na ang mga ito at siya naman ay nakangisi.

'Simula na ng laban!'

---

" Don Jaime, natutuwa akong kayo pa rin ang nangunguna.
Kahit na bumaba ako ay ayos lang basta kayo pa rin ang manguna. Kaya lang nagtataka ako bakit ang kinuha ninyo bilang pangalawa ay ang Acuesta na 'yon?
Isa pa parang kambal ni Villareal eh, " ang nagtatakang usisa ng judge na nasa pangwalong rango.

Kinabukasan bumisita si Judge Valdemor sa mansyon ng mga Lopez sa pakiusap ng don.

Sinadya niyang kausapin ngayon dahil wala ang apo niya.

Nagkakape ang mga ito sa hardin.

Humigop ng kape ang don bago sumagot.

"Sa palagay niyo ba nanalo talaga ako nang walang tumulong sa akin?"

"Anong ibig ninyong sabihin?"

"Hindi aabot sa oras ang dagdag isang bilyon ko kaya inisip ko ng talo na.
Si Delavega ang dapat mananalo at hindi ako."

"Ano? Si Delavega?" Umayos ito ng upo at bumalatay sa mukha ang inis.
"Hindi tayo papayag diyan. Hari na nga siya sa batas pati ba naman sa organisasyon?"

"Mabuti na lang may tumulong sa akin kaya ako pa rin."

"Sino?"

Muli siyang humigop ng kape bago tumugon.

"Si Acuesta, kaya nang manalo ako agad siya ang pinili kong pangalawa."

"Bakit ka naman niya tinulungan?"

WANTED PROTECTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon