'LANG hiya ginamitan pa ako ng awtoridad!'
Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa utos ng amo.
Matapos kunin ang gamit sa kotse ay binalikan niya ito.
"I know gentleman ka, so please, behave"
'Lintek! Inunahan pa ako.'
"Ofcourse" tanging nasagot ng binata.
Inayos niya ang mga gamit at pumasok sa banyo, naligo siya, buti na lang kumpleto ang napamili nila.
Ilang sandali pa, tapos na siya at handa ng magbantay sa dalaga.
Nakahiga na ito at balot sa kumot.
"Sa'yo ang isang unan diyan"
"Thanks"
Umupo siya katabi ng dalaga, nakasandal siya sa headboard ng kama ito naman ay sa kabilang gilid pero nakaharap sa kanya.
"Gian"
"Bakit?"
"Salamat ha"
"Saan? Sa libreng pagkain o sa pagbabantay?"
"Pareho, sorry din sa eskandalo kanina"
"Tama lang 'yong ginawa mo, para magtanda sila"
Napatingin sa kanya ang dalaga.
"Masyado ka kasing gentleman, akala nila okay lang"
"Ganon lang talaga, nakakahiya namang barahin. Matulog ka na"
"Sige, good night"
"Good night wala bang kiss?"
"Wala!"
Tumawa na lang siya.
Napapalunok siya habang nakatingin sa dalaga.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at lumayo.
Muli siyang sumandal sa headboard.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagdasal ang binata ng matindi.
Matindi pa sa hiniling niyang mabuhay siya noong nag-aagaw buhay siya noon.
Ipinikit niya ang mga mata.
Napaigtad si Gian ng maramdamang may mabigat sa kanyang braso, nilingon niya kasabay no'n ay ang pagdantay ng binti nito sa beywang niya!
'Wow! Kung makapulupot lang daig ang asawa!'
Nang biglang may sumagi sa kanyang isipan.
Napangiti siya habang inaabot ang cellphone sa mesa.
Ilang sandali pa, handa na siya.
Ayos!
Isang shot lang!
Ngumisi siya pagkatapos mapagmasdan ang kuha.
---
PAGDATING nila sa Site ay agad niyang nasalubong ang manager.
Nagkamustahan at bumaba sa tunnel.
Tinanong niya agad ang estado ng mga ito.
"Kaya na ho nating makapag load hanggang one hundred fifty tons daily"
"Good, so almost twenty tons per hour ang nakukuha niyo?"
"Yes Ms."
"Good, gusto ko sanang makita ang report."
"Heto po" ibinigay nito sa kanya ang hawak na folder.
BINABASA MO ANG
WANTED PROTECTOR
CintaWhen the protector of the law became the protector of the lawless. --- After completing his mission, Gian Villareal, a skilled agent, became a valiant protector of the law. But he has one simple mission: to become the bodyguard for Ellah Lopez, the...
