CHAPTER 6 The Confession

981 42 0
                                    

Sabay silang napatingin sa sumbrero.

"Tang ina!" mahinang mura ng binata.

Nang sa pagtihaya ng binata ay sumalubong ang baril sa noo ni Gian.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga ni hindi siya nakasigaw.

Naipikit niya ang mga mata at hinintay ang kamatayan nito!

Pumutok ang baril.

'Patay na si Gian!'

Subalit ang inaakala niyang patay ay  hindi pala nangyari dahil nag-aagawan ang mga ito sa baril kaya kung saan-saang dereksyon ito nakatutok sabay putok.

Sinipa ng binata ang binti ng lalaki kaya natumba ito at inundayan ng sunod-sunod na suntok sa mukha hanggang sa mawalan ng ulirat.

Mabilis na  napulot ng binata ang baril at nang kukunin na nito ang sumbrero ay saka naman ito pinaputukan ng kalaban kaya mabilis na nagkubli ang binata sa poste na kinaroroonan ni Ellah.

Walang ibang ginawa si Ellah kung hindi ang manalangin.

Napaluha ang dalaga.

Gumanti ng pamamaril si Gian.

Palingon-lingon ito sa kinaroroonan ng kalaban habang panay ang tingin sa sumbrerong nalaglag.

"Ano bang ginagawa mo?" mahinang singhal niya, pero hindi siya nito pinansin.

Alam niyang muli nitong kukunin ang sumbrero kaya ang tindi ng takot niya.

"Gian please!" Hinawakan niya ito sa braso.

"No!" Iwinaksi nito ang kamay niya.

Huminga ito ng malalim at siya
pinigilan ang pag hinga.

Tumakbo ang binata nang nakayuko papunta sa sumbrero habang nagpapaputok ng sunod-sunod.
Inunahan nito ang kalaban, at nang makuha nito ang sumbrero ay mabilis itong tumakbo pabalik habang hinahabol ng bala.

Marami ang sasakyang nakaharang kaya hindi ito tinatamaan.

Ang huling bala ay tumama sa posteng pinagkukublihan nila kaya hindi ito tumagos.

"Muntik na 'yon ah?"

Hindi siya umimik. Halo-halo na ang kanyang nararamdaman.

Takot at galit!

Maya-maya pa ay nakita na nila ang paparating na mga gwardya ng naturang restaurant at nagpaputok.

Nabaling dito ang atensyon ng kalaban.

"Ms. tatakbo tayo papunta sa kotse. Ihanda mo ang sarili mo."

Hinawakan ni Gian ang isang kamay niya at pinagsalikop ang kanilang mga daliri at mahigpit na nakahawak sa isat-isa.

Mas tumindi ang takot niya subalit tinatagan niya ang loob.

"Bibilang ako, isa...dalawa... takbo!"

Magkasabay silang tumatakbo habang hinahabol ng bala!

Panay naman ang sigaw niya sa tindi ng takot.

Biglang may humarang kaya binaril ito ng binata, tinamaan ito sa dibdib at bumulagta.

Nanginig ang dalaga!

Hindi na sila tinigilan ng mga ito, kaya napaupo sila habang nakakubli sa isang sasakyan.

Binalingan siya ni Gian.
"Ms. tumakbo ka sa kotse, tumakbo ka ng mabilis at 'wag kang lilingon, naiintindihan mo? Huwag kang lilingon!"  ibinigay nito ang susi sa kanya.

WANTED PROTECTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon