Ang nag-iisang kaibigan ni Gian.Hinarangan siya nito pero nakatalikod sa kanya kaya napagitnaan siya ng dalawang lalaki at ito ang humarap sa mga medya.
“Sir, ano pong masasabi ninyo tungkol sa issue na ito?”
“Sir, may alam ba kayo tungkol sa tangkang pagpatay?”
“Sa ngayon, wala pa po kaming masasabi. Nananatiling tahimik ang magkabilang panig. Kaya hintayin na lang po natin ang kanilang statement!”
Sabay-sabay na umangal ang mga mamamahayag.
Animo nabunutan siya ng tinik nang sinagot nito ang tanong kaya dito nabaling ang atensyon ng mga mamamahayag.
“Bakit ayaw magsalita ng suspek at ng biktima?”
“Kailan sila magbibigay ng statement?”
“Sir, kilala niyo ba ang sinasabing dating gwardya daw na pinagtangkaan?”
“Ano ang motibo ng tangkang pagpatay?”
Sa kabila ng sunod-sunod na tanong ay nagagawa pa ring sagutin ni Vince ang mga ito.
“Personal ang dahilan ng away kaya walang kinalaman ang kumpanyang pinagtatrabahuan ng suspek.
Bukod doon, tinanggal na ang suspek kaya wala ng kinalaman ang kumpanya, bukod pa sa dating gwardya na ang biktima. Silang dalawa ay wala ng kinalaman sa kumpanya. Kaya kung maaari, hintuan na natin ang kumpanya dahil wala na silang kinalaman. At hindi pwedeng ipaalam sa publiko ang identity ng biktima. ”“Kung gano'n sir, alam niyo ba ang totoong dahilan ng suspek?”
“Ano ang ugat ng away na nauwi sa tangkang pagpatay?”
Itinaas ng lalaki ang mga kamay kaya natahimik ang mga ito.
“Kagaya po ng sinabi ko, wala pang statement ang magkabilang panig kaya sana igalang natin ang kanilang desisyon. Kung maaari padaanin natin si Ms. Lopez.”
Nagbigay daan ang mga ito.
Umaabante ang kanyang head security at siya pero ang lalaking nagtanggol sa kanya ay umaatras para walang makagawa ng harang sa daanan.
“Vince, salamat ha. ”
“Wala ‘yon Ms. Ellah. ”
“Bakit ka nga pala nandito?”
“Ipinadala ako ng hari para ipagtanggol ka. ”
Hindi na siya umimik, kilala niya ang hari na ‘yon.
Hari ng antipatiko!
Nang malapit na silang makapasok ay muli siyang nagtanong. Hindi na ito umaatras at sumusunod na sa kanya.
“Nasaan pala siya?”
“Bakit mo hinahanap? Magpapasalamat ka ba? Kung oo, sa akin mo na lang daw sabihin.”
Ang yabang talaga!
“Bakit sa kanya? Sa’yo ako dapat magpasalamat dahil ikaw ang nandito. ”
“Pero siya ang nag-utos sa akin. ”
“Kung hindi ka naman sumunod balewala rin. ”
“Hindi mangyayari ‘yon, kahit kailan hindi ko magawang suwayin ang utos ng hari. ”
“Salamat sa alalay na tulad mo.”
Napangiti si Vince, kaya ngumiti rin siya.
“O paano Ms. ligtas ka na, babalik na ako sa aming kaharian. ”
BINABASA MO ANG
WANTED PROTECTOR
RomanceWhen the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexp...