CHAPTER 42 The Visit

642 18 0
                                    


Napabangon ang binata ng may dumating na dalawang kalalakihan.

" Magandang hapon sir! "

" Magandang hapon din ho sa inyo"

" May gusto lang kaming linawin, na baril ho ba kayo?"

"O-oo tama. "

"Kilala niyo ba kung sino ang bumaril sa inyo?"

Nagkatinginan sila ni Ellah.

"Sir, ang mabuti pa ho siguro ay kausapin ninyo ang taong tumulong sa akin. Parating na siya. "

Nag text siya kay Vince na kausapin muna ang mga pulis na nasa loob ng kanyang silid.

Maya-maya pa pumasok si Vince.

"Vince pare"

"Mga sir, kung pwede dito ho muna tayo sa labas. At ako na ho ang sasagot sa mga tanong ninyo. "

"O, sige, salamat, magpagaling kayo sir. "

"Sige ho."

Nang mawala na ang mga ito ay muling tumabi sa kanya si Ellah.

"Bakit may pulis dito?"

"Proseso nila 'yon dahil binaril ako."

Tumango-tango ang dalaga.

Niyakap siya ng mahigpit ng dalaga.

Nasa ganoon silang posisyon nang may kumatok.

Agad silang naghiwalay.

"Magandang hapon ho sir Gian."

Nagkatinginan silang dalawa.

"Kunwari wala kang alam."

"Oo pangako!"

"Pasok kayo."

Pumasok ang dalawang lalaki.

"Sir Gian, magandang hapon ho Ms. Ellah, magandang hapon ho nandito pala kayo."

"Magandang hapon din Mr. Valdez at Mr. Salazar," sagot niya sa dalawang bisita.

"Ms. Ellah, may dala nga pala kaming prutas tanggapin niyo ho. "

" Salamat "

Binalingan ng mga ito ang binata.
" Kumusta na ho kayo sir? "

" Medyo okay na, salamat. "

Umupo ang dalawa.

"Pasensiya na ho sir, ngayon lang kami nakadalaw. "

" Ayos lang ho, salamat sa pagpunta ninyo. "

Binalingan ng mga ito si Ellah.

"Ms. nag resign na ho kami, nagulat talaga kami sa ginawa ninyo."

"Gano'n ba? Mabuti nakadalaw kayo."

"Ah, kasi nabalitaan ho namin ang nangyari. Sir, pagaling ho kayo agad."

"Salamat ho."

"Ms. Ellah, pasensiya na ho kung nag resign kami, medyo magulo na ho eh simula ng hindi kayo pumasok sa opisina nagkagulo na."

"Anong ibig ninyong sabihin?"

"Ms. magulo na ho sa opisina, halos lahat nag reresign na at 'yong iba tinatanggal na."








---

Naipikit ng dalaga ang mga mata.

Tatlong araw ng wala siyang alam sa nangyayari dahil sa takot na baka magkamali siya uli.

WANTED PROTECTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon