Chapter 56 The Transport

53 3 0
                                    

Biglang inagaw ni Ellah ang cellphone na hawak ni don Jaime.

"Hello Gian? Anong nangyayari? Nasaan ka na?"

"Ellah? Nandito ako ulit sa presinto pinaaresto ako ni Delavega."

Tila mahihimatay ang dalaga sa narinig.

"Ano? Bakit daw? Pupunta ako diyan hintayin mo ako!"

"Hindi ka pa magaling, pwede ko bang makausap ang lolo mo?"

"Pero kahit na! Pupunta ako baka kung anong mangyari sa'yo!"

"Ellah please? Huwag mo ng ipilit ang gusto mo. Ako ang pupunta diyan, pakausap muna sa lolo mo."

"NO! I AM GOING THERE TO SAVE YOU!" sigaw na niya sa tindi ng frustration.

Bakit ba hindi nito naiintindihan na nag-alala siya!

Huminga ng malalim sa kabilang linya si Gian.

"Love, please ayoko lang na mapahamak ka," mahinahong wika ng binata.
"Kaya ko naman ang sarili ko, isa pa nasa presinto lang naman ako, dati rin akong pulis wala ka bang tiwala sa akin?"

Napapikit si Ellah at pilit magpakahinahon sa kabila ng matindi niyang pagnanais na makita ito.

"Pero baka mapahamak ka diyan hindi ordinaryo ang kumakalaban sa'yo Delavega 'yan eh. "

"Ayos lang ako, kaya ko ang sarili ko at kailangan ko rin ang tulong ng lolo mo, pero huwag ka ng mag-alala hindi ako mapapahamak."

"Gian nag-aalala ako."

"Naiintindihan ko pero mas nag-aalala ako sa' yo, mas safe ka diyan."

Huminga siya ng malalim at nanlulumong tumango.

"Ingat ka, I love you."

"I love you too, pwede ba sa lolo mo?"

"Okay."

Ibinigay na niya kay don Jaime ang cellphone nito.

"O Gian? Papunta na ako diyan hintayin mo ako."

"Marami pong salamat don Jaime."

"Sige, ingat ka ha."

"Opo, salamat."

Tumayo si don Jaime.

Sumunod si Ellah.

Kung nababahala si don Jaime mas lalo na siya.

"Lolo, anong mangyayari kay Gian? Hindi siya pwedeng makulong God! Bakit nangyayari ito?"

"Pupuntahan ko siya."

"Paano kung makukulong si Gian?"

"Hindi siya makukulong, gagawin ko lahat ng makakaya ko para hindi 'yon mangyari."

Kahit paano napanatag ang dalaga sa sinabi ng agwelo.

Alam niyang may isang salita ang kanyang lolo na kapag sinabi nito ay gagawin nito 'yon.

Gaya ni Gian, kapag nangako ito talagang tinutupad.

Lumabas si don Jaime kasama ang sampung bodyguards nito.

Naiwang nanghihina ang dalaga at napaupo sa kama.

"Ms. Ellah?"

Napalingon siya sa tumawag.

"Jen, halika pasok, salamat sa pagpunta."

"Alam ko po na wala kayong makakasama maliban sa katulong, kaya pumunta ako, pinapunta rin po ako ni Chairman."

WANTED PROTECTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon