CHAPTER 14 The Memories

744 32 0
                                    

"Ellah hija, tinatanong kita, nag-usap ba kayo ng bodyguard mo tungkol sa pag-alis niya?"

"Ah, opo lolo, napag-usapan na ho namin, hindi ko lang ho alam na kagabi pala siya nag resign."

"Ganon ba? Pero bakit hindi kayo nagkakaintindihan? Sinusungitan mo ba? Sinabi ko naman sa'yo na ayusin mo ang pagtrato sa kanya hindi ba?"

Umiling ang dalaga.

"Hayaan na ho natin lolo, hindi na ho siya masaya."

Napatango-tango ang matanda.

Maya-maya lang may dumating.

"Nandiyan na sila hija."

Nakita niya ang tatlong lalaki.
Malalaki ang mga ito at mukhang matatapang.

Napapailing siya.

"Good morning sir, madam!" sabay na bati ng tatlo at yumuko.

"Good morning, boys, ang unica hija ko si Ms. Ellah."

"Kamusta kayo Ms. Ellah?" sabay na namang tanong ng mga ito habang lahat nakatingin sa kanya.

Pinigilan niyang matawa. Parang mga robot ang mga ito.

"I'm fine."

"Boys, magpakilala kayo sa amo niyo."

"Ms. Ellah ako po si Bert, siya si Manuel, at si Dan."

"Ikinagagalak ho namin kayong makilala Ms. Ellah," sabay na namang wika ng mga ito.

Parang nag memorize ang tatlo sa sasabihin sa kanya.

"Bweno, boys, alagaan niyo at ingatan ang apo ko, ipagkakatiwala ko ang nag-iisa kong unica hija sa mga kamay niyo. Umaasa akong palagi siyang ligtas, naiintindihan niyo ba?"

"Opo don Jaime!" sabay na sagot ng tatlo habang nakaharap sa kanyang lolo.

"O, sige na, umalis na kayo."

"Thanks lolo," aniya at hinalikan ito sa pisngi.

Pinagbuksan siya ng pinto pumasok siya at ang isa ay nagmaneho ang dalawa ay sa likuran nakaupo.

Tahimik sila habang nagbabayahe.

Tumingin siya sa labas ng bintana.

Ipinilig niya ang ulo, ang lahat ay tapos na at dapat ng kalimutan.

Tama nga siya, pinalaya siya nito at hindi kinaibigan dahil pagdating ng panahon ay iiwan siya nito.

At ang panahong 'yon ay ngayon!

Pagdating nila binuksan ng nasa likuran ang pinto at bumaba siya.

Nakasunod ang tatlo sa kanya habang siya ay papasok.

Nakatingin ang lahat na mga tauhan sa kanila.

"Good morning Ms. Ellah."

"Ms. Ellah, good morning."

Huminto siya at hinarap ang mga empleyado.

"Good morning, ladies and gentlemen, my new bodyguards."

"Good morning sa inyong lahat," sabay na bati ng mga ito.

"Good morning din sa inyo," sagot ng karamihan.

Habang naglalakad siya ay naririnig niya ang usapan sa paligid.

"Nasaan na pala si Gian?"

"Oo nga, sayang ang gwapo pa naman niya."

"Biglaan naman yata 'di ba?"

"Tama ka. "

Huminto siya, kaya ang usapan ay nahinto rin.

WANTED PROTECTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon