Bakit pinagkakait na naman ang ating kalayaan?
Parang ang dugo at pawis na pinaghirapan ng mga bayani ay biglang naglaho ng tuluyan
Nasa'n na ang mga taong magtatanggol ng bayan?
Kapwa Pilipino ay nagpapatayanNakakatakot lumabas, nakakatakot magsalita
Baka sa bawat pagbigkas ng mga letra ay pagputok ng baril sa panga
Nakakatakot lumabas, nakakatakot maglakad mag-isa
Hindi ko na alam kung kanino na ako magtitiwalaNasa'n na ba ako?
Kailangan na naman bang magtago?
Kanino ako tatawag? Kanino hihingi ng tulong? Hindi ko alam
Lalo na isa lang akong ordinaryong mamamayan
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PoetryIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.