Ako ang dahilan

2.1K 28 2
                                    

Patawad kung may mga bagay na pinili kaysa manatili
Hindi ko sadyang saktan ka pero may humila sakin na ito'y mali
Mali na mahalin ka pa
Mali na ipagpatuloy pa
Mali na may tayong dal'wa
Ako ang nagbibigay ng mga butil na tumutulo sayong mata
Wala sa bokabularyo ko na saktan ka kasi mahal kita
Pero hindi ko hahayaan na ako ang maging dahilan ng paghikbi mo tuwing gabi
Patawad dahil ako ang dahilan ng pagluha mo sa isang tabi
Patawad kung nadurog ko ang dating buo
Patawad kung nagdurugo ang puso mo
Patawad kung hindi mo ako kasama sa pagdurusa mo
Patawad kung ako ang dahilan ng kasawian mo
Patawad kung wala akong magawa para pagaanin ang yung kalooban
Patawad kung yung kasiyahan ay napalitan ng kalungkutan
Patawad kung sumuko na ako sa laban
Patawad kung binigay mong lahat ngunit hindi ko nasuklian
Patawad kung ako'y unti-unting lumakad at ika'y iniwan sa gitna na ulan
Patawad kung di ko dinahan dahan ang paglisan
Patawad dahil ako ang dahilan
Patawad mahal. Patawad.

In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon