Ngiti ka na

129 1 0
                                    

Tinatakpan ng dilim ang nakatagong sakit
Sinasarili hanggang di na kayanin ng dibdib
Tala ang kausap sa mga salitang hindi masabi ng bibig
Walang tigil ang pagtulo ng butil na tubig

Bakit ganun? Nais mo lamang mabuhay ng ordinaryo
Ngunit sadyang hindi matahimik ang kaluluwa ng mga tao
Maraming nasasabi, ayaw magpatalo
Kailan mapagtatanto na dapat lang makuntento?

Subalit sadya ngang umiikot ang mundo
Na kahit anong gawin mo lagi silang may masasabi sayo
Sabagay lahat naman pala dito perpekto
Kaya kahit ano mang gawin, wala ng mababago

Nakakalungkot isipin ngunit hayaan na lang natin sila
Mabuhay na lang tayo nang masaya
Kahit maraming pumipigil, maraming nakatitig na mata
Magpatuloy na lang at maniwala sa mga plano Nya

Ngiti ka na.







In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon