May mga oras na napapatingala na lang
Magtatanong na naman sa kalangitan
Masaya pa ba ako? Kaya ko ba?
Sapagkat, paunti-unti na naman nawawalan ng gana
Minsan hindi ko alam kung nawawala ba ako o nanatili lang ako
Umaabante o nasa dati lang na pwesto
Takbo nang takbo pero 'di alam kung saan tutungo
Nadadapa, nagkakasugat at hinahayaan na lang dumugo
Hindi na din maghihilom ang sugat
Sa aking libro walang maisulat na pamagat
Ang dami ng kabanata pero wala pa ring daloy
Walang magamit na bantas sapagkat hindi alam kung paano ko na itutuloy
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PoetryIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.