Susubukan ko

35 1 1
                                    


Sinubukan kong labanan ang takot, pangamba, pagbabakasali baka kasi may magbago

Ngunit, kahit anong takas ang gawin ko, hindi ako iniiwan ng aking anino

Napapagod na ako kakatakbo

Napapagod na akong sumubok ngunit parating nahuhulog

Sinubukan ko naman ngunit hindi ko alam kung hanggang kailan ko dapat subukan para makamtan ang kasiyahan

Ngunit

Susubukan ko ng paulit-ulit kahit sukong suko na ako, kahit hindi ko na alam kung paano bumangon at magpatuloy 

Susubukan ko kahit wala na akong gana sa lahat, kahit nauubos na ako

Susubukan ko kahit hindi malinaw ang landas, kahit lubak-lubak, liko-liko

Susubukan ko. Susubukan ko pa rin bakasakaling mahanap ko ang ligaya sa dulo. 

In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon