Una palang pala ako na yung talo

225 2 0
                                    

Ipinasok kita sa mundo ko
Binuo mo ako
Binigyan mo ng pinta ang madilim kong mundo
Ipinaranas mo ang pag ibig na totoo
Pero kailangan nga ba naging totoo?
Sa ating paglalakbay maraming tayong naging problema
Ngunit imbis na lumaban sumusuko ka na lang bigla
Kailan mo ko pinaglaban?
Kailan ka nga ba sumugal?
Kung sa sarili mo ngang Ina hindi mo maipagmalaki man lang
Kung totoo nga ba, bakit hinayaan mong lumuha?
Kung totoo nga ba, bakit hinayaan mong magdusa?
Kung totoo nga ba, bakit natatakot ka?
Sakin? Natatakot ka sakin? Anong gagawin ko sayo. Ang nais ko lang naman iparating na andito ako mahal pa rin kita
Kung totoo nga ba, bakit ang bilis mo nakahanap ng iba?
Kung totoo nga ba, bakit hindi mo ako natanggap? At isa ka rin sa mga nanghusga
Kung totoo nga ba, bakit hindi ka nakahanap ng dahilan para manatili?
Kung totoo nga ba, bakit di ka man lang nakahanap ng dahilan para bumalik?
Simula palang pala ng kwento ako lang yung sundalo
Bala ko ang pagmamahal mo
Dito sa digmaan na akala ko dalawa tayo
Pero paubos na armas ko
Kaya kahit siguro makipagbakbakan pa ako
Ako na rin yung talo
Hindi kita kayang bitawan
Hindi kita sinukuan
Pero yan ang iyong kailangan
Dahil kahit anong laban
Ako pa rin uuwing talunan
Dahil simula palang ako na naman talaga yung talo
Una palang ako na yung talo

In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon