Gusto ko sanang makasama ka sa paglubog at pagsikat ng araw
Gusto ko sanang makasama ka sa pagpanuod sa mga bituin at buwan
Gusto ko sanang ang mga alaala natin ay laging buhay
Gusto ko sanang ibahin ang ihip ng hangin at aking hiling ay ibigayGusto ko sanang makasama ka sa lungkot at lumbay
Gusto ko sanang maging parte ka ng aking buong buhay
Gusto ko sanang makasama ka sa aking paglalakbay
Gusto ko sana kitang makasabay sa pagtawid ng aking tulayGusto ko sanang hindi ka na mawala at saki'y wag ng magpakawala
Gusto ko sanang manatili ka ngunit hindi ko na ata mapipigilan pa
Gusto ko sanang makahawak kamay ka
Gusto ko pa sanang lumaban sa ating dalawaNgunit lahat ay nagbago na wala na ang dating saya,
Ang kinang sayong mga mata tuwing tayo'y magkasama,
Tila naglaho na lang bigla bigla,
Ako ba ngayo'y iiwan mo na?Gusto ko pa sanang makasama ka sa hirap at ginhawa
Gusto ko pa sanang harapin ang bukas na kasama ka
Gusto ko pa sanang makinig sa ating musika
Gusto ko pa sanang mahalin kaSubalit tila kailangan ko ng itigil na,
Ang imahinasyon ko na muling magiging akin ka,
Sapagkat parte ka na lang nakaraan ko sinta,
At hindi ko na maibabalik ang ating masasayang alaalaAng pagsama natin habang umuulan
Ang pag amoy mo sa buhok na parang ayaw mo ng tigilan
Ang paghawak mo sa aking kamay,
At ang maging tayo sa gitna ng ulananLalamunin na lang ako ng mga SANA
Sana ko na makasama ka pa
Tibok ng puso'y muling magpapahinga
Ngayon pa't wala ka na
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PoetryIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.