Gagawa ng tula habang nakikisama pa ang utak
Baka kasi mamaya bigla na namang magblack out
Nais kong magpasalamat, salamat sa lahat
Salamat sa oras na ginugugol para basahin ang tula na aking sinulat
Tula na naging paraan ng pagtakas
Mga salitang tinutugma ay ang mga pararilang hindi maibigkas
Sa bawat taludtod ay mga kwentong nais ibahagi
Mga alaalang nabubuhay muli
Sana isang araw ay makagawa ng isang aklat
Mga pahina ay bibigyan ng bagong alamat
Kukulayan ng itim na tinta ang mga letra
Bibigyan ng buhay ang mga salita at mahika
Muli, salamat sa pagbasa at suporta
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PoetryIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.
