Nais ko sanang masaksihan mo ang pagkinang ng bituin sa kalangitan
Ang bilog na buwan na sa atin ay nagsisilbing ilaw
Nais kong makausap ka pa tungkol sa mga walang kwentang bagay
Yakapin ka at hawakan ang iyong kamay
Ngunit, may mga bagay lang talagang hindi sakto
Hindi pa oras, blanko, at hindi sigurado
Takot akong mawala ka, ang maiwan, masaktan
At ikaw ang pag ibig na ang hirap bitawan pero kailangan
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PoetryIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.