Bakit ganun? Nais mo lamang mabuhay ng ordinaryo
Ngunit sadyang hindi matahimik ang kaluluwa ng mga tao
Maraming nasasabi, ayaw magpatalo
Kailan mapagtatanto na dapat lang makuntento?Subalit sadya ngang umiikot ang mundo
Na kahit anong gawin mo lagi silang may masasabi sayo
Sabagay lahat naman pala dito perpekto
Kaya kahit ano mang gawin, wala ng mababagoNakakalungkot isipin ngunit hayaan na lang natin sila
Mabuhay na lang tayo nang masaya
Kahit maraming pumipigil, maraming nakatitig na mata
Magpatuloy na lang at maniwala sa mga plano NyaNgiti ka na.
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PuisiIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.