Hindi ko aakalain aabutin ko 'to
Ilang sakuna na rin ang pinagdaanan ko
Umiyak, tumawa, napuno ng emosyon pero kinaya ko
Nahanap ko ulit yung nawawalang Ako
Matagal tagal rin na kinulong ang sarili
Sa apat na kanto ng kwarto at walang katabi
Walang ibang ginawa kundi ang humikbi
Sana nga puso ay may labi upang nararamdaman ay maisabi
Ilang buwang di nakatulog ng maayos
Gabi gabi sumisigaw ng walang boses kaya napaos
Hindi ko kailangan ng awa dahil ako rin ay makakaraos
Makakaraos din sa kinahaharap na unos
Hindi naman talaga masakit ang sakit sadyang iniisip mo lang na masakit kaya masakit
Isipin mo na lang yung magagandang bagay kaysa mapapait
Yung lamig na nararamdaman mo ay muling iinit
Padaluyin mo muli ang pagmamahal hindi inggit at hinanakit
Maraming tao ang dumating pero lilisanin ka din
Mga alaalang iniwan nila ay kay hirap limutin
Pero ako 'to kaya syempre kakayanin, dapat kayanin
At hindi na isang yagit na iyakin
Magulo ang mundo, walang sigurado lahat ay magbabago
Huwag na huwag kang matatakot sa iyong multo
Lakasan mo ang loob mo wag kang magpapaapekto
Kasi kung mahina ka ikaw lang naman yung magiging talo
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PoetryIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.