Andito ako. Andito pa rin ako.

259 2 0
                                    

Muling pag uugnay ugnayin ang mga letrang minsang binigkas
Sapagkat mga anino'y ayaw magpatakas
Kinulong ang sarili sa selda ng pag ibig na nagbigay kumpas
Ngunit, hindi malinaw ang landas

Pinintahan mo ako ng iba't ibang kulay
Sinamahan tumawid sa tulay
Ngunit, iniwan mo sa kalagitnaan
Tumakbo ka papalayo, at ako'y hinayaan

Nagbigay ka ng paksa sa bagong tula
Nilapatan mo ito ng masasayang tugma
Subalit, kapag nag iba ang daloy ng mga taludtod bigla kang nawawala
Walang bakas, walang tinta naglaho na lang bigla

Ginawan mo ako ng balsa upang tayo'y maglayag sa karagatan
Ako ang taga sagwan, at tagahanap ng pampang
Nang makarating tayo sa daungan
Dahan dahan kang humakbang papunta sa kagubatan at di mo na binalikan

Nahumaling ka sa himig ng mga kuliglig
Sinigaw ko ang pangalan mo ngunit tinig ko pa rin ang narinig
Isip ko'y naliligalig
Kailan ka kaya babalik?

Ang langit at dagat ay magkaisa na, ngunit wala pa rin, sinta
Inaalok ako ng mga alon upang magpakalunod sa kanya
Hindi ako sumang ayon sa gusto nya
Ngunit, nalunod pa rin ako sa sariling mga luha

Pinagmamasdan ko ang mga tala
Kumikinang, mababaliw ka sa sobrang ganda
Napabulong sa sarili "Sana ako na lang sila, para kahit madilim ay nakikita at maaakit ka"
Ngunit, hindi ako kasing ningning nila kaya naghahanap ng ibang kislap ang iyong mga mata

Kung sakaling iyong mapagtanto
Nakaupo lang ako dito sa tabi ng mga bato
Nag aabang, nagsusulat ng pangalan mo na aking paborito
Andito ako, andito ako, andito pa din ako.

In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon