puhon♡

21 1 0
                                    

Isang araw na naman ang lumipas
Dumadaan lang ang bawat oras
Tumingala sa alapaap
Pinapanuod ang pagsayaw ng mga ulap

Pinapatugtog ang paboritong kanta
Habang nakatingin sa kawalan, nakatulala
Ipinikit ang mga muting mata, nilalanghap ang hanging sariwa
Habang nawawala ang kaluluwa sa musika

Natapos na naman ang isang araw, sana kahit papaano ikaw ay naging masaya
Alam kong pagod ka, matuto kang magpahinga
At kung wala ka man ngayong nagawa, ayos lang yan may bukas pa
Pagkatapos ng isang bukas, may isang araw pa, kaya magpatuloy ka

Mga iniisip mo ngayon, makikitaan mo din ng solusyon
Huwag kang susuko, sa pagkalunod ikaw din ang makakaahon
Puhon.

In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon