Diary

30 2 1
                                    

•2018•

Taon kung saan naligaw ang kaluluwa
Humingi ng tulong ngunit hindi maisalba
Nagsimula ang insomnia
Hindi makatulog tuwing gabi, laging gising ang diwa

Ilang beses ko ring tinangka
Minsan nakalimutan huminga
Patuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata
Sarili ko'y nawala

•2019•

Maraming gumugulo
Nais magpatuloy ngunit pinipigilan ako ng aking ulo
Sobrang sakit na ng nararanasan ko
Saklolo! Saklolo! Tulungan nyo ako!

Nangayayat
Gustong dalhin sa rehab
Dahil kahit sila hindi na ako maintindihan
Pati ako naguguluhan

•2020•

Unang beses kong nakita ang pagtusok ng lapis sa dibdib ko
Ang pagsabunot sa buhok ko
Ang pagluhod sa harap ng minahal ko
Naglasing dahil sa kirot na hindi kaya na ng aking dibdib

Tinangka ko ulit
Taon na masyadong masakit
Hinanap ang halaga
Sana aking makita

•2021•

Nais ko ng maging malaya
Nais kong maging masaya
Gusto kong maging masaya

In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon