Kung maaari sana

693 10 0
                                    

Bilang na bilang ang bawat paghinga
Matang punong puno ng mga luha
Pusong di makahangos sa sakit na nadarama
Isip na binabalot ng masasayang alaalang kasama ka

Ilang buwan na rin ang nakalipas
Gustong gusto ko ng tumakas
Sa pag ibig na naging rehas
Kinulong ako sayo at binuhos lahat ng oras

Gusto kong yakapin ka ng mahigpit
Gusto kong mahawakan ang kamay mo ulit
Ngunit ayoko ng maranasan mong muli ang pait, sakit
Dahil sa pagmamahal kong sayo'y ipinipilit

Pinaglaban kita, minahal ng sobra kahit ako'y durog na durog na
Ngunit mahal malaya ka na kasi alam kong lubos kang liligaya sa piling ng iba, sa piling nya
Hirap na hirap akong bitawan ka kasi sobrang mahal kita pero tama na
Ayoko ng saktan ka pa at maranasan mo ang pagdusa

Sana masaya kana.

In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon