Hayaan ko na lang

148 1 0
                                    

Hayaan ko na lamang ang ulan ang magpahayag ng aking nararamdaman
Hayaan ko na lang na ang mundo na mismo ang magdesisyon para sa aking kapakanan
Hayaan ko na lang na ako lang mag isa ang pumasan
Hayaan ko na lang na ako ang magdusa at masugatan

Hayaan ko na lang na ang hangin ang magpadala ng mga salitang hindi ko masabi
Hayaan ko na lang ang aking sarili ang humikbi tuwing gabi
Hayaan ko na lang aking damdamin ang syang magkalabi
Hayaan ko na lamang ang daan ang tumungo at ako'y isantabi

Hayaan ko na lang ang malaking puno ang magbigay na angkop na bigat
Hayaan ko na lang ang mga bulaklak ang magsaboy ng halimuyak
Hayaan ko na lang ang oras ang maghilom sa mga sugat
Hayaan ko na lamang ang mga larawan ay magkalamat

Hayaan ko na lang na ang tubig ang magpuno sa natutuyong mga luha
Hayaan ko na lang ang araw ang magbigay sigla sa natutulog kong kaluluwa
Hayaan ko na lang ang mga tala na magpatila ng mga luha
Hayaan ko na lang ang panahon ang syang magpaniwala

Hayaan ko na lang ang aking mata na ilabas ang lahat ng sakit
Hayaan ko na lang na ang puso ang magpasan ng lahat ng pasakit
Hayaan ko na lang na sya na ang pumalit
Hayaan ko na lang na ang sarili sa pag kaiinggit

Hayaan ko na lang ang oras ang syang lumipas
Hayaan ko na lang ang mga ibon ang pumagaspas
Hayaan ko na lang ang alon ang syang humampas
Hayaan ko na lang ang katawan ay muling lumakas

Hayaan ko na lang ang pag ikot ng mundo at ito'y magbago dahil alam ko nagtatapos rin ang dulo
Pagod na ako sa pakikisabay sa lahat ng bagay na hindi sigurado
Sawa na ako sa gulong pinasok ko
Suko na ako sa resultang dulot nito

In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon