Nagsimula sa isang bati
Bati na hindi ko mawari
Mawari kung ito'y tama ba o mali?
Mali na muling magbakasakali?
Tayong minsa'y nagkita
Bibig ngayo'y di makapagsalita
Puso'y parang hinahabol o ano ba?
Hinahapo sa sobrang kaba
Ngunit ang oras ay tumakbo ng mabilis
Mabilis at ika'y tuluyang umalis
Umalis at mga alaala'y iyong winalis
Puso ngayo'y tinusok ng kutsilyong matulis
Kaya sabi sa sarili hindi na aasa
Aasa sa mga bagay na wala naman talaga
Masasaktan lang ng sobra sobra
Sa isang akalang pareho ang nadarama
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PoetryIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.
