baka sa kawalan matagpuan ang kasiyahan

34 3 2
                                    


Pinagmamasdan ang tahimik na karagatan

Nang bigla kang naupo sa tabi ko at sabay nating pinanood ang buwan

Nahiga tayo sa may buhanginan habang ang alon ay pinapakinggan

Hayaan mong ikwento ko sayo ang nakaraan, ang iyong nakaraan

Naaalala mo pa ba nung unang beses kang nadapa dahil ikaw ay nabaliko

Umiyak ka di ba? At nagkasugat pa pero patuloy ka pa rin sa pagtakbo kahit alam mong dumudugo ang tuhod mo

Naaalala mo pa ba nung ikaw ay humikbi dahil hindi nabili ang laruan na gusto mo

Kaya naghanap ka ng ibang malilibangan at nakita mo ang malaking puno kaya doon ka naglaro

Hinahabol habol mo pa ang mga paru-paro

Ang saya mo habang inaamoy amoy ang mga bulaklak sa paligid mo

Ang ordinaryong araw ay nagiging espesyal dahil meron kang ikaw

Pero ngayon bakit, bakit hindi ka na naniniwala sa bulalakaw?

Hindi ka na palangiti hindi katulad dati, masyado kang mailap

Parati kang nakatingin sa alapaap at ang yung mga mata ay nangungusap

Subalit, ano nga ba ang nais mong ipahayag? Hindi ko na mabasa

Sinubukan kong tanungin ka ngunit lagi kang lumalayo at ninanais mo na lang mag-isa

Nakita kita sa sulok, ang dilim ngunit ang repleksyon ng yung mga luha ay halata

Lalapitan sana kita ngunit may humarang sa harap ko, isang salamin at nakita ko ang aking mukha

Ikaw at ako pala ay iisa ngunit magkaiba

Ikaw ang aking nakaraan habang ako ay nasa kasalukuyan nagpapanggap, natatakot, nangangamba

Kailan ko ba makakamit ang kalayaan? Kung parating ibinabalik ako ng aking anino sa nakaraan na dapat ko ng kalimutan

Nais kong talikuran ang nakaraan, ang kasalukuyan, hinaharap at mabuhay na lamang sa kalagitnaan ng kawalan  

Baka sa kawalan matagpuan ang kasiyahan

In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon