Sagip

151 1 0
                                    

Gamit ang maliit na balsa naglayag ako sa karagatan
Ang tataas ng alon ngunit nagpatuloy ako sa pagsagwan
Napadpad ako sa maliit na isla
Napakaganda at ito'y saganang sagana

Pinili kong dito'y magpahinga
Ilang araw na rin pala mula ng ako dito'y mapunta
Ngunit, hindi ko na maiwan, mahal na mahal ko na ng sobra
Inalagaan, at pinahalagahan ng lubos ang nasabing isla

Hanggang isang araw, may isang nilalang
Itinakwil ako papalayo sa gitna ng karagatan
Labis akong nasaktan
Nadurog at nasugatan

Nagpatuloy ako sa paglalakbay ngunit, nilagyan pala ng bato at sinira ang balsa ko
Nakita mo, nakita mong nalulubog ako
Humingi ako sa'yo ng saklolo
Narinig mo ang pagsigaw ko, nakita mo ngunit hinayaan mo na malunod ako

Sa mga oras na 'yun, 'di ko alam ang gagawin
Ngunit may isang bangka at ninais akong sagipin
Iniahon ako, tinulungan bumangon muli
Inisaayos ang aking balsa upang ako'y magpatuloy sa paglibot sa mundo at magbakasali

Alam mo kung sino Siya? Kilala mo. Kilalang kilala
Salamat sa muling pagsalba aming Ama.

In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon