Aking sinta matagal na tayong nagsasama
Marami ng alala na nabuo sa pagitan nating dalawa
At sana sa darating pang mga araw ito'y ating dagdagan pa
Muli mong binuhay ang natutulog kong kaluluwaIkaw na aking tahanan
Ikaw na naging sandalan
Ikaw na naging tulay sa lugar na makulay
Ikaw ang naging saya sa malungkot na buhayKahit na sinubok na tayo ng panahon
Pinag iisa naman tayo ng mga tinatapon na hamon
Naging karamay sa lungkot at ligaya
Mas pinatibay ang pagsasamaAaminin kong hindi tayo laging masaya,
May lungkot at galit na minsa'y nadarama,
Ngunit sa kabila ng lahat ng mga problema,
Pagmamahal ko sayo'y hinding hindi bababa sa sobraSa bawat paglipas ng panahon ikaw pa rin aking mahal,
Mapasakin ka ang aking munting dasal,
Hinding hindi na kita papakawalan
Mahirap ng makahanap ng isang katulad mong kailanman alam kong di ako iiwanSa iyong mga mata nasisilip ko ang langit
Pagkat ikaw ang anghel na nararamdaman ko na naririyan lang sa malapit
Kapit lang nang mahigpit
Maaabot din natin ang dulo ng malupitAng habang buhay ay hindi sapat na ialay sayo
Kung gayon handa akong ibigay ang buong puso
Ikaw na ang nais iharap sa altar
At makasama hanggang sa katapusanMahal kita. Mahal na mahal.

BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PoetryIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.