Mga kwentong hindi nagsimula ngunit natapos

10 1 0
                                    

Ikaw ang kwentong nais kong simulan ngunit hindi mo binigyan ng pagkakataon para bigyan kahit isang kabanata

Hindi pa nasusulatan kahit isang talata ngunit bigla ka na lang nawala

Nagtagpo ngunit hindi sumakto ang mundo

Kaya nararamdaman mo ay biglang naglaho.



Ako'y nakaalis na sa aking nakaraan 

Ikaw ang nakita kong dahilan

Ngunit, bakit? Bakit biglang ika'y sumuko't natakot na ako'y ipaglaban.

Buo na aking kaisipan at nararamdaman,

Handa na ulit na tumayo at ika'y samahan

Ngunit bakit? bakit? bakit? Ulit ulit na tanong na gumugulo sa aking isipan.


Sa dalawang buwan nating pagsasama

Walang ibang iniisip kundi ang pangalan mo sinta.

Mahal na mahal kita ng sobra sobra,

Ngunit magulang mo'y ayaw sa ating pagsasama.

Pinapangako ko mahal na sa muli mong pagbabalik,

Pupunuin kita ng masasarap kong mga halik

Na 'di mo makakalimutan hanggang sa ating pag pikit.


Ligaya, isang salitang lubos na mahalaga,

Alaala, isang salitang kapag naiisip ako'y lubos na sumasaya,

Puso, isang salitang binuo mo ngunit bakit iniwan mo?

Tayo, isang salitang hindi na muling mag kakatagpo.


















In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon