Patawad kung ako ang iyong pinili
Patawad kung sa akin ka nawili
Hindi man lang kita mapasaya
Dala ko lamang ay puro problema
Patawad kung ako'y nakakasawa
Patawad kung napapagod ka na
Ayoko ng saktan ka pa
Subalit sa aking piling hindi ka lumiligaya
Patawad sa nakaraang sana di na lang tayo nagkita
Patawad kung pinilit pa kita saaking sumama
Patawad dahil alam kong nagsisisi ka, kasalanan ko, kasalanan ko naman talaga
Ngunit, tandaan mong sa pagdating mo labis ang galak ng puso ko sinta
Mahal na mahal kita. Mahal kita ng sobra.
P.S.
Huwag na huwag kang hihingi ng tawad sa kung ano ka. Sapagkat kung totoong mahal ka, tanggapin ka nya kahit kulang ka pa. At bago ka magmahal ng iba mahalin mo muna sarili mo para hindi mo laging sinisisi ang sarili mo dahil may kulang ka.
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PoetryIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.
