Hahayaan na lang ang mga mata ang magsalita ng tunay na nadarama
Ayoko ng ibuka ang bibig sapagkat namamaos na
Paulit ulit na lang ng iwiniwika
Ngunit kailanman di binigyan ng halagaTatahimik na ang bibig
Mata na lang ang magbubuhos ng butil na tubig
Di na magsasalita kaya wala ka ng maririnig
Tanging ang tunog na lamang ng mga kuligligKung iyong pagmamasdan ang mga mata ay ganun pa din ang titig
Mahal kita, yan ang nais iparinig
Ngunit tila yata masyado kang nabingi sa tahimik kong tinig
Tinig ko na kailanman di ka nag alay nang oras para pakinggan ang himig
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PoetryIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.