Hindi ko alam kung ano ang mas nakakagambal at nakakadismaya
Ang pandemya, sakuna o trahedya?
O ang mga taong nakaupo, may kapangyarihan ngunit tulog habang ito nangyayari sa ating mga mamamayan, sa ating BAYAN?
Kailan kayo magigising? Kapag malapit na naman ang eleksyon? kapag kailangan ninyo na naman ang sambayanan?Hanggang kailan? Hanggang kailan ganito?
Imulat ninyo naman ang mata ninyo
Maraming sumisigaw ng tulong, ngunit para kayong mga bingi o nagbibingi-bingihan?
Maraming nalulunod, nakikita niyo ngunit para kayong mga bulag o nagbubulag-bulagan?Nasa'n na mga pangako nyo?
Nasa'n na mga plano ninyo?
Nasa'n ang kaluluwa ninyo?
Nasa'n na kayo?#babawitayosa2022
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PoetryIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.