Alam ko hindi ako perpekto, araw-araw magkakamali ako
Lahat sakin bago pero ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko para sumakto
Hindi ito ang pangarap ko pero ito ang daan na tinahak ko para sa mga taong mahal ko
Wala man malinaw na ruta ang nilalakad ko, magpapatuloy ako kahit hinihila ako pababa ng ibang tao
Wala namang nananalong sumusuko, kung magpapaapekto ka ikaw yung talo
Hayaan mo na, masyadong maganda ang mundo para sa pagkamuhi at galit na nabuoUsad lang kahit maraming mapanghusgang mata ang nakaabang
Hakbang lang kahit ilang beses ka ng inapak apakan
Maaari ka ring tumakbo pero ‘wag na 'wag mong takasan
Harapin mo, atapang kang tao kaya alam kong kaya moIlang digmaan na ba ang kinaharap mo?
Ilang sugat na ba nahilom mo?
Ilang sakit na ba ng dinanas mo?
Ilang pagkamatay na ba ang nilagpasan mo?
Ilang beses mo na bang sinagip ang iyong sarili sa pagkakalunod?Maraming beses na ngayon pa ba? Ngayon pa ba?
Tingnan mo, ikaw andyan ka pa din matayog na nakatayo
Walang sinuman ang makakapagpatumba sa’yo kahit malakas man yan na bagyo
Kaya mong lumipad hanggang sa tuktok ng mundo
May naghihintay na maganda sayo sa dulo
Kaya laban lang. Ikaw din ay makakaahon.
Padayon
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PoetryIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.