Paghilom

129 2 0
                                    

Sugat na sugat
Wasak na wasak
Durog na durog
Hindi ko akalain na ang puso'y muling mabubugbog

Akala ko habangbuhay ngunit isa lang palang aral
Akala ko pangmatagalan, isa lang palang pansamantala-galan
Umibig ako at sya ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, di ko naman magpapakaila yan
Pero umiikot nga ang mundo, at saming kwento ang pinahinto

Umiyak, humikbi, sinisi ang sarili, dumugo ang puso, nagdusa, nagluksa ngunit bumangon
Sa mga alaala hindi na muling lilingon
Naging masaya ako sa mga hiram na oras
Kaya sa larawan na ikaw ang laman at ako ay ako na ang tatakas

Kailangan kong iligtas ang sarili ko
Hindi na babalik sa lubog na barko
Nakaahon na ako
Muli mang nagbukas ang mga sugat ngunit naghihilom na ito

Hindi ko alam kung paano ngunit andito na ako
Unti-unti na akong umaabante kahit minsan di alam kung saan tutungo
Masaya at malaya na ang aking puso
Galit, hinanakit, sama ng loob wala yan sa aking bokabularyo

Nawa'y masaya ka na rin sa kanya
Naghilom na rin ang sugat diyan sa puso mong nagkakaila
Patawad, minahal kita ng sobra yan ang aking huling salita
At sana ito na ang huling tula na aking isusulat na ikaw ang paksa

In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon