Ikaw ang magiging takas at tahanan ko

15 0 0
                                    

Makikiusap sa mga tala na sana pagdating ng umaga ikaw din ay mahagkan

Hindi ko alam kung kailan o kung saan kita matatagpuan

Ngunit, isa lang alam ko, ikaw ang nais makasama sa ilalim ng buwan

Pagmasdan ang mga nagkikinang na bituin sa kalangitan

Sabay tayong hihiling sa mga bulalakaw

Mangangako at pupunan ang nga patlang ng mga bagong letra na bubuo sa hindi tapos na mga tula

Gagawa ng kanta na tayo ang paksa

Maghihilom ang mga sugat na ang dahilan ay pagkadapa

Mapupuno ng mga mahika ang bawat araw na magkasama 

Sapagkat mahal, ikaw ang magiging takas at tahanan ko dito sa totoong mundo.

In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon