Pagod

142 0 0
                                    

Gusto kong takasan
Ngunit pagod ng humakbang
Pagod na pagod na ako
Pagod na ako sa mga tao
Pagod na akong pakinggan ang musika na paulit ulit nilang pinapatugtog
Pagod na akong isayaw ang mga galaw na hindi naman sabay sa kalabog
Pagod na akong isulat ang tulang walang paksa
Pagod na akong iawit ang mga kanta na parang sirang plaka
Pagod na ako

In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon