Ilang buhay pa ba ang dapat isugal?
Upang kapangyarihan lamang ay iparangal
Sadyang nabulag na ba ang lipunan
Sa maguluhong sistema ng pamahalaan?Kasinungalingang ginagawang katotohanan
Salapi ay katumbas na isang buhay na lamang
Wala na rin bang kalayaan ipahayag ang nararamdaman?
Kung maraming matang nakatingin at bibig ay handang manghusga anong oras manMasyado na bang gago ang mundo o ang mga taong naninirahan dito?
Kailan ulit makakamtan ang paraiso?
Hindi ko na alam, baka hindi na kailanman
Maaaring mabubuhay na lamang ng maraming tanong na bumabagabag sa isipan.
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PoesieIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.