Palubog na naman ang araw sa silangan
Heto na naman ang kalungkutang babalot sa katauhan
Nais ko ng takasan
Ngunit ayaw akong tantananHirap na hirap na akong lumaban
Gusto ko na ring sukuan
Dahil ayoko ng makita ang katapusan
Kaya nais na lamang lahat ay tuldukanSa pagsapit ng alas 3 ng umaga, may pumupukaw sa diwa
Babalutin ng mga hikbi at luha
Habang sila'y mahimbing sa pagkakatulog sa kanilang kama
Ito ako nais pumakawala sa madilim na hawlaNaririnig nyo ba ang mga tinig ng pagsasamo?
Pagwawala ng kaluluwang maraming sugat ang natamo
Pusong durog na durog at hindi alam kung kailan ulit mabubuo
Mga ngiting niretoke pagkat hindi na totooIkaw aking Ama tulungan mo ako
Ibangon Mo ako sa pagkakadapa
Nais ko ulit tumakbo ng malaya
Maaaring Ikaw ang sagot sa lahat ng itoDalhin mo akong muli sa iyong paraiso
Mga tinig Mo ang hihilom sa mga sugat na dala dala ko
Iparamdam Mo ang kasapatan Mo
Yakapin Mo ang nagdurugong ako
Nais ko'y Ikaw sa buong buhay ko.
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PoetryIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.