Isang taon na? Ano na?

37 2 0
                                    

Pinagmamasdan ko ang paligid, mga taong naglalakad habang magkahawak kamay
Mga grupo ng estudyanteng kumakain at nagtatawanan
Naghahalakhakan, nagkwekwentuhan, nagpapalakpakan dahil sa tuwa ang aking nasilayan
Ang ganda nilang pagmasdan, ang sarap pakinggan

Ngunit, isang araw nagising akong may balitang narinig sa radyo
Nabingi ako, tama ba ang pagkakaintindi ko?
May isang sakit na madaling kumalat na nagpahinto ng mundo
Bawal lumabas, bawal makipagkamay, sinarado ang mga pinto

Isang taon na pala, mula ng nagsimula pandemya
Isang taon na din pala na hindi ako masaya
Isang taon na pala na may kinahaharap na krisis ang bansa
Isang taon na pala

In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon