Patawad

268 1 0
                                    

Patawad kung ako ang iyong pinili
Patawad kung sa akin ka nawili
Hindi man lang kita mapasaya
Dala ko lamang ay puro problema

Patawad kung ako'y nakakasawa
Patawad kung napapagod ka na
Ayoko ng saktan ka pa
Subalit sa aking piling hindi ka lumiligaya

Patawad sa nakaraang sana di na lang tayo nagkita
Patawad kung pinilit pa kita saaking sumama
Patawad dahil alam kong nagsisisi ka, kasalan ko, kasalanan ko naman talaga
Ngunit, tandaan mong sa pagdating mo labis ang galak ng puso ko sinta

Mahal na mahal kita. Mahal kita ng sobra.

In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon