Guni-guni

70 0 0
                                    

Tahimik ang gabi, hindi karaniwan ang dilim na bumabalot sa kwarto
Yakap yakap ang sarili dahil sa lamig na biglang dumampi sa balat ko
Ipinikit ko ang mga mata at sa muling pagdilat ko
Nakatitig ka sa may pinto

Nais akong isayaw ng iyong multo
Gamit ang namamanhid kong mga kamay, sinubukan kong hawakan ang iyong anino
Ngunit sa bawat paglapit ay iyong paglayo
Humakbang pa hanggang ikaw ay biglang naglaho

Akala ko sasamahan mo ako hanggang sa pagsikat ng araw
Ngunit bigla kang nawala at hindi na kita natanaw
Isang panaginip, isang mahabang panaginip
Sa bangungot, sarili ang nagsagip

In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon