Pano na ako?

8 0 0
                                    

At ito na nga ang tinutukoy ko kapag nagmahal ako

Hirap na naman akong bumangon sa bawat umaga

Sa mga gabi hindi makakatulog kung hindi mauubos ang mga luha

Hindi na naman makagalaw ng maayos

Heto na naman ako, muli na namang nauubos

Kaya pakiusap, ayoko nang may maramdaman 

Pagod na akong tumakbo at takasan

Ang mga rehas na patuloy akong kinukulong sa imahe mo

Ayoko na ulit madurog ang aking puso

Ngunit, pano na ito?

Pano na naman ako?

Pano na ako?

In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon