Ito ka na naman kinukumpara ang sarili sa iba
Magtatanong ka na naman kung ano ba ang iyong halaga?
Kung bakit hindi ka na lang katulad nila?
Kung bakit lagi kang kinukutya dahil sa iyong katawan at itsura?Makinig ka maganda ka wag mong paniwalaan sila
Maganda ka kahit hindi ka pa nagsusuklay ng buhok
Maganda ka kahit minsa'y may ngiping bulok
Maganda ka kahit ano ang iyong isuot
Maganda ka kahit kulot o wala kang buhokGanda ka? MAGANDA KA
Hindi mo kailangan ang aprobal ng iba para masabi mong ika'y maganda
Huwag mong ihalintulad ang sarili mo sa iba dahil ika'y iba sa kanila
Huwag na huwag mong papatunayan kung sino ka talaga
Sapagkat ang IKAW ay IKAW bahala silaMaganda ka wag kang maniwala sa kanila
Maganda ka kahit pakiramdam mo'y ikaw ay ibang iba
Maganda ka kahit hindi nila makita
Maganda ka kahit ang labi ay hindi mapula pula
Maganda ka kahit anong kulay mo pa
Maganda ka kahit hindi ka maala prinsesa
Maganda ka kahit madapa ka pa
Maganda ka kahit hindi pantay ang iyong paa
Maganda ka kahit wala kang kurba
Maganda ka kahit ika'y pakuba kuba
Maganda ka kahit malaki na naman ang tagyawat mo sa mukha
Maganda ka kahit iniwan ka na naman nya
Maganda ka kahit hindi sumasang ayon si tadhana
Maganda ka kahit maraming sugat ang dulot sayo ng nakaraan
Maganda ka kahit marami kang pelat sa katawan
Maganda ka kahit sinasabihan ka ng baboy o kawayan
Maganda ka kahit lagi kang hinuhusgahan
Maganda ka kahit wala kang kilay
Maganda kahit namamasa ang iyong kamay
Maganda ka kahit kapag nagsalita ka ay tumalsik pa ang iyong laway
Sapagkat ikaw ay parang isang bukangliwayliway nakakabighani at nakakasilawNakikita ko ang loob ng iyong puso, ramdam ko, kita ko ang ganda nito
Kahit sino ay maaaring mahulog dito
Kaya wag kang umiyak sa salita ng ibang tao
Tumayo ka at sumigaw na "MAGANDA AKO, WHO YOU KAYO! "Kaya wag mong paniwalaan ang iba, huwag ka ng magtanong pa, huwag mo din ikompara sapagkat ikaw ay may sariling ganda. GANDA KA? MAGANDA KA.
#Walang hindi maganda ka kung walang matang mapanghusga
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PuisiIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.