Dalawang mundo

34 2 1
                                    

Alas tres y media na at paikot ikot ka lang sa iyong malambot na kama
Alas tres y media na ngunit yung iba ay natutulog sa gilid ng kalsada

Maghahating gabi na kailangan mo ng umuwi papagalitan ka ng iyong Inay at Itay
Maghahating gabi na ngunit wala man siyang masilungan na bahay

Naupo ka sa gilid ng pampang pinagmamasdan ang makikinang na tala
Kailangan sumagwan, magpailaw sa gitna ng dagat para may huling isda at magkaroon ng kita

Ilang sapatos na ba ang nabili mo? Isa? Dalawa? Tatlo? sa sobrang dami hindi mo na mabilang pa
Yung munting bata sa daan nakayapak, tumatakbo, may sugat sugat na ang kanyang paa

Naririnig mo ba? O nabingi kana?
Nakikita mo ba? O sadyang sinarado mo na ang iyong mga mata

Ang kwento mo ay hindi kwento niya
Ang dinaraanan mo ay hindi ang daan na tinatahak niya
Magkaiba kayo ng mundo, iiba ang inyong istorya
Maswerte ka dahil mayroon ka ng bagay na gusto mo, paano naman yung iba?

Naiisip mo ba sila? Kumakatok sila iyong pinto
Ngunit, nakakandado, nakasarado pagbuksan mo naman kahit isang segundo
Dalawang mundo ang ginagalawan ng tao
Ang isa ay bukas ang mga mata, ang isa sarado ang tainga


In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon