Sakit na biglang sumulpot at maraming sinira na pamilya
Tahimik na nangingitil ng buhay at magnanakaw ng saya
Ilang buwan ng ganito, walang pagbabago
Mas lumalala kahit gobyerno walang magawa tungkol ditoMaraming mga tiyan na walang laman
Hindi makapagtrabaho ng maayos dahil may hadlang
Bawal lumabas, makipagkamay, makipagyakap dahil baka magkahawaan
Todo ingat para din sa ating kapakanan at kalusuganIsa lamang ang panalangin ng sambayanan
Matapos na ang krisis na kinahaharap ng ating bayan
Sana bago dumating ang kapaskuhan
Matapos na ang pandemya at ang mga ngiti sa labi ay muling masilayan
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PoesíaIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.