Babae ako hindi babae lang

1.3K 8 2
                                    

Hindi ko kailangan maging maganda para tanggapin ng lipunan
Hindi ko kailangan ng magandang katawan para magustuhan
Hindi ko kailangan maging mataas para igalang
Hindi ko kailangan ipakita ang lahat para iyong malaman ang aking kahalagahan

Dahil babae ako hindi babae lang

Babae ako hindi pangrampa lang
Babae ako hindi lang nilalang
Babae ako na hindi ginawa para iyong saktan
Babae ako na may damdamin at hindi isang laruan
Babae ako hindi multiple choice na dapat maging pilian
Babae ako hindi isang kagamitan na iiwan kapag pinagsawaan
Babae ako na may marupok na puso kaya madalas nasasaktan
Dahil tao rin ako katulad mo nahihirapan
Babae ako na minamahal at may karapatan

Dahil babae ako hindi babae lang

Hindi ko kailangan magsuot ng maiiksing damit para masabing ako'y babae
Hindi ko kailangan ng kolorete para ilarawan na ako'y babae
Hindi ko kailangan ng mahabang buhok para masabing ako'y babae
Mahina ako sa pagtingin ng mundo dahil ako'y babae

Ngunit

Ang babaeng ito ay parang isang bulalak na sumisibol tuwing taglagas
Nagsasaboy ng halimuyak sa lahat
Kakaiba at ibang iba ngunit ang sinasabi mong babae lang ay syang pinakamalakas
Ituturo ka sa tamang landas

Walang ikaw kung wala ang babae, yung babae lang sa pagtingin mo

In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon