Takot akong magmahal,
Dahil sa tuwing ako'y susugal,
Lagi akong nasasakal,
Sa mga bagay na hindi ko alam kung magtatagal
Takot akong iwan,
Ngunit bakit parang ito na lang laging kinahahantungan
Pag ibig na dulot lamang ay ako'y saktan,
At lisaning luhaan
Takot akong masaktan,
Marahil ikaw rin ngunit yun ang laging katapusan
Kaya maaari rin na minsan mo ring bitawan,
Ang mga katagang puro kasinungalingan
Takot akong mag isa,
Nakakabaliw, nakakatanga ang kislap ng mga tala,
Nagsasabing dapat na naman akong lumuha
Kasi andito na naman ang dulo, parating na
Takot ako sa lahat,
Kasi kahit istorya natin nagkalamat
Dahil sa nahanap nating ugat
Kaya hindi alam kung kailan ulit aangat
Itong pusong nadurog at nagkasugat
Nakakatakot ang maaaring katapusan
Ngunit lahat ay may hangganan
Ang magagawa lang ay itago ang nararamdaman
Kasi hangga't kaya mo iyong labanan
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PoetryIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.
