Saan nga ba?

13 1 0
                                    

Nagigising araw araw na may parehong mga tanong 

Para bang may maliit na boses na bumubulong  

"Ano bang gusto ko? Saan ba dapat ako?"

 Ilang taon na pero hindi ko pa rin alam kung ano ang pangarap ko 

Pilit ko mang hanapin ang sagot hindi ko mabuo ang mga piraso 

Kahit nga malakas na bagyo hinarap ko, mabuo lang ako 

Ngunit, mas lalong nadudurog ang aking puso 

May mga sugat lang na lalong dumudugo 

Saan ba ako magaling? Ano ba ang dapat kong gawin? 

Hindi para maging angkop sa mundo, o maging bagay kung kanino 

Gusto ko malaman kung ano talaga ang aking gusto 

Mahanap ang daan kung saan ba dapat ako tutungo 

Sapagkat, pagod na ako kakatakbo P

agod na akong hanapin kung ano ba talaga ako

In the midst of whispersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon