Nagsimula sa isang sakit na wala pang lunas
Sakit na maraming buhay ang nagwakas
Maraming pamilyang nasira
Maraming alaalang masaya sana ang nagawaKalikasan naman ngayon ay nagwawala
Mga inosenteng nilalang ay inaanod ng baha
Hindi ko na kayang makita
Kung bangungot 'to, pakiusap pakigising na ako, tama naGusto ko na muling masilayan ang masasaya nilang mukha
Mga nakangiting labi, at nagsasayawang madla
Sa darating na pasko at kaarawan ko isa lang ang hiling ko
Ang matapos na, matapos na ang bangungot na itoAng tanging magagawa lamang sa ngayon ay manalangin
At humingi ng awa at gabay mula sa Ama natin.
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PoetryIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.