Gamit ang maliit na balsa naglayag ako sa karagatan
Ang tataas ng alon ngunit nagpatuloy ako sa pagsagwan
Napadpad ako sa maliit na isla
Napakaganda at ito'y saganang saganaPinili kong dito'y magpahinga
Ilang araw na rin pala mula ng ako dito'y mapunta
Ngunit, hindi ko na maiwan, mahal na mahal ko na ng sobra
Inalagaan, at pinahalagahan ng lubos ang nasabing islaHanggang isang araw, may isang nilalang
Itinakwil ako papalayo sa gitna ng karagatan
Labis akong nasaktan
Nadurog at nasugatanNagpatuloy ako sa paglalakbay ngunit, nilagyan pala ng bato at sinira ang balsa ko
Nakita mo, nakita mong nalulubog ako
Humingi ako sa'yo ng saklolo
Narinig mo ang pagsigaw ko, nakita mo ngunit hinayaan mo na malunod akoSa mga oras na 'yun, 'di ko alam ang gagawin
Ngunit may isang bangka at ninais akong sagipin
Iniahon ako, tinulungan bumangon muli
Inisaayos ang aking balsa upang ako'y magpatuloy sa paglibot sa mundo at magbakasaliAlam mo kung sino Siya? Kilala mo. Kilalang kilala
Salamat sa muling pagsalba aming Ama.
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PoetryIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.