Abot tanaw kita mula sa dulo ng walang hanggan
Nais kong sagipin ka mula sa kawalan
Ngunit masyado kang nakalubog kahit anino mo'y hindi ko maaninag
Maghihintay na naman muli hanggang ang araw ay suminagMasyadong kalmado ang iyong karagatan
Subalit kung sisirin ay nagwawala sa may kailaliman
Sinubukan kong languyin ka hanggang sa kaibuturan
May mga lumot at punong puno ng kabatuhanSa bawat pagtangka na yakapin ka lagi kang kumakawala
Wala ka man sinasabi ngunit ang puso mo'y nagwawala
Hindi kita iniwan sa paglubog at pagsikat ng araw
Umaasa na isang araw masaya ka ng tunghayan ang buhayNagising ako nakipapag-usap ka na ulit sa kalangitan
Kinakantahan ang bituin at buwan
Sa muli kong pagsisid, nagtaka ako
May pulang rosas na tumubo sayong pusoMatinik ngunit sadyang iniingatan mo lang ang sarili mo
Ang ganda ng pagsibol at ang pamumukadkad ng mga talulot nito
Salamat sa pagbabalik
Ako sayo'y nasabikAko lang pala makakatagpo sa'yo
Hinanap ko pa sa ibang tao
BINABASA MO ANG
In the midst of whispers
PoetryIn the midst of a whirlwind of emotions, I unearthed my voice. A gentle murmur to my pen, and a poem emerged.